ANO BA ANG PUSTISO?

by TAN, Frances Katrina M.





Ang denture o pustiso ay isang dental appliance na dinisenyo upang palitan ang mga nawala o nabunotnang mga ngipin. Ito ay maaring complete o partial. Ang complete denture ay isang uri ng natatanggal na pustisokung saan pinapalitan ang lahat ng ngipin sa itaas o sa ibabang panga, ito ay para sa mga wala nang mga ngipin.Ang isang partial denture naman, tulad ng complete denture, ay natatanggal din na pustiso pero pinupunan lamangang mga espasyo ng mga nabunot nang mga ngipin, hinahadlangan din nito ang paggalaw ng mga natitirang naturalna ngipin. Ang pustiso, complete man o partial, ay yari sa acrylic na kasing kulay ng gilagid at ngipin na yari rin saacrylic o porcelain.


Ang paggawa ng pustiso ay isang mahaba at mabusising proseso. Una, sinusukat at kinukuhananmuna ng modelo ang bibig ng pasyente sa pamamagitan ng impression. Mula dito ay bubuo ng modelo ng pustiso sapamamagitan ng paghulma ng wax kung saan isinasaayos ang mga 
artipisyal na ngipin. Ito ay isinusukat sa loob ng bibig upang makasigurong 
wasto ang sukat, hubog, at pagkakasaayos ng mga artipisyal na ngipin upang maiwasanang pagkakaroon ng mga problema sa pagsuot ng pustiso tulad ng pananakit ng mga muscles na ginagamit sa pag-nguya ng pagkain.

Ang lahat ng ito ay isinasagawa bago isalang ang pustiso sa proseso ng pagluluto. Pagkataposmaluto, muli itong isusukat sa bibig upang maisaayos ang mga detalyeng nagbago habang ito ay niluluto. Angpagsusuot ng pustiso ay mahalaga upang maiwasan ang tuluyang pagbabago ng buto ng mga panga, at upangmaipanumbalik ang function ng mga nawalang ngipin. Ang pagsusuot ng pustiso ay nangangailangan din ngwastong paglilinis upang maiwasan ang ilang mga problema katulad ng iritasyon sa gilagid at impeksyon.

Post a Comment

0 Comments