TURISMONG MEDIKAL AT DENTAL


Medical and Dental Tourism 

Medical tourism or medical travel is a name given by communication industry and travel agencies to the growing demands of traveling globally to acquire high quality standards of health care by spending less. It offers all your needed medical treatments and services from surgical operations to enhancive or cosmetic surgeries. Dental tourism is a part of the larger zone of medical tourism. It is concerned with giving every individual the necessary and affordable dental care that they need- dental services includes dental treatment and dental surgery which are very costly in one’s country. Although, these industries do not allow you to dig deeper into your pocket, it is still highly recommended that you check their accreditation and performance.     


Turismong Medikal at Dental 

Sa America, Australia at karamihan sa mga bansa sa Europa ay patuloy ang pagtaas ng halaga ng pagpapakonsulta sa mga doctor, mga ospital o sa mga klinika. Mahaba rin ang paghihintay sa prosesong pangmedikal upang makatiyak ang kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa mga bansang ito. Nagiging mahirap tuloy ang paghanap ng murang pagamutan na makapagbibigay ng maayos na serbisyong medikal o ang pagpapagamot sa kanyang karamdaman. Sa panahon ngayon, alin man sa mga operasyon ang nais mong gawin, maging ito ay may kinalaman sa lamang pagpapaganda (cosmetic) o sa tunay na kaligtasan ng iyong buhay, ay mangangahulugan ng agarang malaking gastusin mula sa iyong bulsa. Kung hindi man, mangangailangan mo pang maghintay ng ilang buwan upang matanggap mo ang kinakailangang pagsusuring medikal o dental. Ngunit bakit ka pa maghihintay kung nariyan naman ang turismong medical na maaaring makapagbigay sa iyo ng mataas na kalidad sa serbisyong medikal at dental?. Bukod dito hindi mo pa kinakailangang maghintay ng napakatagal. 

Ano ang Turismong Medikal? 
Ang  turismong medikal ay ang isinasagawa sa pamamagitan ng pagbiyahe papunta sa ibang bansa, katulad ng Pilipinas, upang matamo ang kinakailangang atensiyong pangmedikal, maging ito ay operasyon sa puso, pagpapadagdag ng dibdib, o serbisyong pang dental. Ang turismong pang-dental ay itinuturing isang bahagi ng malawak na industriya ng turismong medikal. Depende sa lokasyon at serbisyong pangkalusugan ang kinakailangan, ang klase ng turismong ito ay maaaring mas mababa ng 10% hanggang 50% ang halaga kumpara sa kung ikaw ay magpapagamot sa mga bansang unang nabanggit. 

Mga Kabutihang Dulot ng Turismong Dental at Medikal 

  • Mas-abot kaya ang halaga- walang duda na ito ang isa sa pinakamabuting bunga ng turismong dental. May mga bansang kayang magbigay ng mataas na kalidad ng pagsusuri at operasyong dental na hindi masakit sa bulsa.

  • Maaaring mataas din ang kalidad- bagaman mura ang halaga, makasisiguro ka na mataas ang antas ng kalidad ng serbisyong iyong makukuha sapagkat ang mga doktor ay mga dalubhasa rin na may mga kasing-modernong kagamitan sa paggagamot. Madami sa mga doktor na ito ay nag-aral at nagpaka-dalubhasa din sa mga bansang US, Japan, Australia,atbp... 

  • Mabilis na serbisyo- makasisiguro sa mabilis na serbisyo ayon sa panahon at oras na napili mo. Bukod dito, maaari mo na ring malaman ang kabuuan ng iyong bayarin sa pamamagitan ng kanilang “online quote system” sa paraang ito mas madaling malalaman ng isang magpapagamot kung magkanong halaga ang dapat niyang ihanda .

  • Malaking kaluwagan- dahil na rin sa moderno at malawak na teknolohiya, mas madali na ang paghahanap ng mga serbisyong medikal at dental na iyong kinakailangan sa pamamagitan ng internet. 

  • Para sa mga Balikbayang bumibisita - 
  • Madami sa ating mga kababayan na regular bumibisita sa ating bansa na pwedeng isabay ang mga pangangailang pang medikal at dental lalo na yung walang insurance coverage sa bansang tinitirahan nila.  Sobrang mahal kung walang insurance kaya mas makakamura sila dito sa atin at kasabay na rin ng bakasyon at pag bisita sa mga kamag-anak.  

  • Mga ilang halimbawa ng mga simpleng pangangailangang medikal at dental:
  1. General medical and dental checkups
  2. Mga annual medical laboratory tests
  3. Executive checkups sa hospital
  4. Mga simple at special dental procedures katulad ng cleaning, pasta at marami pang iba.
  5. Marami pang iba...

Ang konsepto ng medikal at dental na turismo ay nakapagdudulot ng lubos ng kaluguran sa mga taong naghahangad ng mataas na kalidad at abot kayang halaga ng serbisyong pangkalusugan. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng popularidad ng medikal at dental na turismo sa buong mundo. Maraming bilang ng mga tao ang nangingibang bansa para sa kanilang pagpapagamot taon-taon. Totoong malaking kaluwagan at kabutihan ang naidudulot nito, subalit dapat pa rin maging mapanuri sa mga nagbibigay ng mga serbisyong ito upang makasiguro sa mataas na kalidad ng mga serbisyo. At napakahalaga ding isa-alala at pag-isipang mabuti ang tamang bilang ng araw na kinakailangan para sa partikular na pangangailangang medical o dental para hindi kulangin sa oras.


References 
1.        www.webmd.com
2.        www.perio.org
3.        www.healthopedia.com

Post a Comment

0 Comments