Ang antibiotics ay gamot na ginagamit pangontra sa anumang impeksyon maging ito ay sa loob ng bibig o kahit sa anumang parte ng katawan.
Madaming klaseng antibiotics na may iba't-ibang aksyon laban sa iba't-iba ring klase ng mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon at sakit/karamdaman sa katawan ng tao. Tunay na napakahalaga ng gamot na ito dahil maraming buhay na ang nailigtas laban sa mga impeksyon at sakit na maaaring nakamamatay.
Isang problema ngayon na hinaharap ng ating mga doktor at siyentipiko ay ang pagkakaroon ng mga mikrobyo o bacteria na nagigiging mas mabagsik at hindi na tinatablan ng ilang mga antibiotics. Ang malaking dahilan nito ay ang hindi tamang paggamit ng mga gamot na ito.
Naglabas ng ilang mga alituntunin ang WHO o World Health Organization para maiwasan ang maling paggamit ng mga antibiotics. Nararapat na ang mga ito sundan ng bawat isa dahil nakakatakot isipin na dumating ang panahon na ang mga sakit at impeksyon na dulot ng mga bagong mikrobyong ito ay hindi na tatablan ng kahit anumang antibiotics. Sa atin ngayon nakasalalay ang kararatingan at kinabukasan nito at sana ay huwag natin pahintulutan na mangyari ang suliraning ito.
Ang sumusunod ay ang mga alituntunin ng WHO:
1. Sundan ang reseta ng doktor ukol sa klase ng antibiotics na gagamitin.
2. Kahit umayos na ang pakiramdam, tapusin pa rin kung gaano katagal at kadami ang dami na dapat iinuming antibiotics base sa reseta sa iyo ng doktor mo.
3. Huwag na gumamit ng mga luma at tira-tirang antibiotics dahil baka hindi na epektibo ito
4. Huwag na maki-inom ng antibiotics ng iba at sundin lamang kung ano ang naireseta sa iyo
5. Para maiwasan ang kung anumang impeksyon, palaging maghugas ng kamay, umiwas sa ibang taong may sakit at siguraduhing epektibo pa ang mga bakuna mo sa pamamagitan ng regular na pagpapakonsulta sa iyong doktor
Cnaddm