Leron, Leron Sinta



NiƱa Angela M. Rocio
Student/Clinician, UP Manila College of Dentistry
Saint Joseph College former Saint Joseph Institute, Salutatorian Batch 2014
  
Leron, Leron Sinta

ā€œSara, gising na.ā€ pasilip-sa-Bahay-Kubong pagbati ng Haring Araw kay Sara Pin.
ā€œBumangon ka na riyan at gumayak. Darating na mamaya si Leron.ā€ Panimulang bungad ng ina ni Sara. Magiliw na naghanda si Sara para sa eskuwela.
ā€œSara! Sara! Tara na baka tanghaliin tayo.ā€ At humayo na ang magkaibigan.
ā€œMagandang umaga, mga bata. Ngayon ang taunang pagtingin ng ngipin.ā€ Panimulang bati ng punong guro. ā€œAt magsisimula ito sa Unang Baitang.ā€, pagpapatuloy niya.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
ā€œButi na lang nagsipilyo kami kanina ng Inay.ā€, bulong ni Sara kay Leron.
Nakakuha ng markang excellent si Sara samantalang fair naman ang binigay kay Leron.
Tapos na ang araw. ā€œKayputi nga naman ng ngipin mo, Sara.ā€ wika ni Leron habang kinakain ang binili niyang bananacue kay Aling Teresita. ā€œIlang beses ka ba nagsisipilyo?ā€ tanong niya.
ā€œIsa sa umaga pagkatapos kong mag-agahan at isa sa gabi bago ako matulog.ā€ magiliw na sagot ni Sara.
ā€œParehas lamang pala tayo; ngunit bakit mas maputi ang sa iyo? Walang sira at kumpleto.ā€ Itinapon ni Leron ang istik ng bananacue sa basurahan.
ā€œHindi ko alam.ā€
Bumili ng ice cream si Leron, katulad ng araw-araw niyang ginagawa pagkatapos ng eskuwela.
Sabay na gumawa ng takdang aralin ang magkaibigan.
Kinabukasan ay maagang nakarating si Leron sa Bahay Kubo nina Sara. ā€œSara, handa ka na ba? Tara na.ā€
ā€œSandali na lamang, Leron. Sinisipilyuhan ko pa si Sara. Pumasok ka muna at maaga-aga pa naman.ā€


Pumasok si Leron at dumiretso sa kusina kung saan naroroon ang mag-ina. ā€œLagi niyo po bang sinisipilyuhan si Sara?ā€ tanong niya. ā€œOo para masigurado kong nadaanan ng sipilyo ang bawat ngipin ni Sara at matiyak na natanggal lahat ng tirang pagkain.ā€
ā€œHindi po ba kaya ni Sara?ā€
ā€œHindi niya kayang abutin ang ngipin niya sa dulo kaya tinutulungan ko siya. Minsan ay mayroon pa ring natitirang pagkain sa gitna ng kanyang ngipin.ā€ magiliw na paliwanag ng ina ni Sara nang matapos silang magsipilyo.
ā€œSara, hindi ka ba magmumumog?ā€ tanong ni Leron nang may malalim na pagtataka.
ā€œHindi dapat nagmumumog sabi ng ating dentista.ā€ At humayo na ang magkaibigan.
Isang ordinaryong araw na muli para sa magkaibigang Sara at Leron. Katulad ng nakasanayan, bumili ng bananacue at ice cream si Leron.
Panibagong umaga para sa magkaibigan ngunit tanghali na ay hindi pa rin dumadaan ang maagap na si Leron. ā€œHumayo na tayo at baka ikaā€™y mahuli.ā€ wika ng ina ni Sara.
ā€œInay, ang sakit ng ngipin ko!ā€ paiyak na batid ng bata.
ā€œNormal lamang iyan, anak. Naranasan ko rin iyan noong akoā€™y bata.ā€ sagot ng kanyang ina.
ā€œBibilhan kita ng gamot para sa sakit ng ngipin.ā€ At humayo ang ina ni Leron.
Kinahapunan ay pinuntahan ni Sara si Leron tangay ang bananacue at tumutulong ice cream. Magiliw na tinanggap ni Leron ang pasalubong. ā€œBakit hindi ka pumasok, Leron?ā€ tanong ni Sara.
ā€œSumakit ang ngipin ko. Sobrang sakit na para akong pinupulupot.ā€ paliwanag ni Leron habang sinisipsip ang tumutulong ice cream.


Gumawa ng takdang aralin ang magkaibigan.
Kinabukasan ay sinamahan si Leron ng kanyang ina sa eskuwelahan. Sinabi niya na sumakit ang ngipin ng bata at pinakiusapan ang guro na bigyan si Leron ng gamot sakaling sumakit muli ito.
ā€œPuwede po kayong kumonsulta sa ating dentista.ā€ wika ng guro.
Sinamahan ng guro ang mag-ina tungo sa dentista.
ā€œMagandang umaga po.ā€ panimulang bati ng mag-ina. Lumisan na ang guro. Magsisimula na ang klase.
ā€œSumakit po ang ngipin niya.ā€ wika ng ina.
Nagkaroon ng panayam ang ina at dentista ukol sa sumakit na ngipin ni Leron.

ā€œTatandaan po natin, hindi normal ang pagsakit ng ngipin. Iwasan ang malimit na pagkain ng matatamis. Magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw, isa pagkatapos kumain ng agahan at isa bago matulog ang bata. Gumamit ng fluoridated toothpaste at sapat lamang ("pea-size") ang dami na ipahid nito sa sipilyo para kay Leron. Hindi kailangang marami ang toothpaste, kailangan ay mainam ang pagsipilyo at tayong mga magulang ang may kakayanan gawin ito. Laging gagabayan ang ating mga anak sa pagsisipilyo dahil may mga bahagi ng ngipin na hindi maabot ng ating mga bulinggit. Inuulit ko po, tayong mga magulang ang responsable sa kalusugang pambibig ng ating mga bulinggit. Tungkulin nating gabayan sila sa pagsisipilyo. At ang huli, maaari pong huwag na po tayong magmumog.ā€ Mariing paliwanag ng dentista. Inabutan niya ang ina ng kapirasong papel kung saan nakapaloob ang kanyang mga sinabi. ā€œMaari niyo po itong idikit sa tabi ng salamin upang laging mapaalalahanan.ā€ pagpapatuloy ng dentista. At lumisan na rin ang mag-ina.


ā€œAh Kaya pala sinisipilyuhan ka ng iyong ina, Sara.ā€ batid ni Leron kay Sara.


by

NiƱa Angela M. Rocio

Student/Clinician, UP Manila College of Dentistry
Saint Joseph College former Saint Joseph Institute, Salutatorian Batch 2014