Ano ang Karaniwang Sanhi ng Sakit ng Ngipin?

Photo by Adrian Swancar
Ano ang Karaniwang Sanhi ng Sakit ng Ngipin?

Ang mga karaniwang dahilan ng pagsakit ng ngipin ay:
  1. Pagkabulok at pagkakaroon ng butas sa ngipin
  2. Aksidenteng nagdulot ng pagkabali, pagkapingas, pagkalog at pagkaalis sa tamang pwesto ng ngipin
  3. Impeksyon at pamamaga sa mismong loob ng ngipin o gilagid
  4. Natanggal na lumang pasta
  5. Pagkabubog sa sobrang tigas ng nanguyang pagkain
Ano ang dapat gawin?

1. Komunsulta kaagad sa Dentista lalo na kung tumatagal na ang pananakit at kung mayroong pamamaga, lagnat at hirap sa paglunok (posibleng impeksyon).


2. Kung hindi kaagad makapunta sa dentista,

a. Linising mabuti ang ngipin at ang gilagid (gums) paikot sa ngipin kung kakayanin ito.  Dahan-dahan at unti unting sipilyuhin at gumamit ng dental floss sa pagitan dahil maaring ang dahilan ng pagsakit ay duming puno ng bacteria (plaque) o mga paningit (tinga) na nagdulot ng pamamaga ng gilagid.

Photo by Phuong Tran
b. Pwede munang magmumog ng maligamgam na tubig na may kaunting tinunaw na asin (isang tasang tubig lagyan ng kalahating kutsaritang asin) para malinisan at mabawasan ng kaunti ang pamamaga.  Gawin ito ng isang minuto, tatlo hanggat apat na beses sa isang araw.

Photo by Manki Kim on Unsplash
c. Uminom muna ng gamot na maaring mabili na hindi nangangailangan ng reseta ("over-the-counter" pain relievers katulad ng Paracetamol) para sa pananakit "pansamantala" lamang habang hindi pa makabisita sa dentista.

Photo by Amanda Jones on Unsplash
*Huwag iinom ng antibiotic basta-basta kung hindi ito nai-reseta ng dentista.

d. Iwasan ang pagkagat at pag-nguya sa ngipin na sumasakit at sa mga katabi nito.

Photo by Khamkhor on Unsplash
Pumunta kaagad sa iyong dentista sa lalo't madaling panahon para malaman ang problema at mabigyan ng karampatang lunas.



charlieddm