Ano ba ang isang Dental Assistant?
Ang mga dental assistants ay mahalagang miyembro o parte ng isang dental clinic. Malaking tulong ang mga ito upang makapagbigay ang isang dentista ng maayos at may kalidad na serbisyo sa kanilang mga pasyente.
Ano ba ang mga Responsibilidad ng isang Dental Assistant?
Ang mga tungkulin ng Dental Assistant, bilang isang miyembro ng healthcare workforce, ay nangangailangan hindi lamang ng sapat na pagsasanay ngunit pati na rin ng pagkakaroon ng malasakit sa mga pasyente. Sa ibang bansa, ang dental assistant ay itinuturing pa nga na katulad ng isang nurse sa isang clinic.
Ano-ano nga ba ang mga trabaho at responsibilidad ng pagiging isang dental assistant. Bagama't magkakaiba ang mga regulasyon ng bawat estado o bansa, ayon sa isang artikulo sa website ng American Dental Association (ADA) ang mga sumusunod ay maaring kasama sa mga tungkulin ng isang Dental Assistant:
- pagtulong sa dentista sa iba't ibang mga pamamaraan sa paggamot pang-dental
- (Kung may sapat na pagsasanay) pagkuha at pagbuo ng mga radiograph ng ngipin (x-ray)
- Tumutulong sa pagtatanong tungkol sa medical history ng pasyente at pagkuha ng presyon ng dugo at pulso
- nagsisilbi bilang isa sa responsable sa pagpapanatiling malinis ang clinic, pagpapatupad ng infection control protocol at paghahanda at pag-sterilize ng mga instrumento at kagamitan
- pag-alalay at pagtulong sa mga pasyente na maging komportable bago, habang at pagkatapos ng dental treatment
- pagbibigay sa mga pasyente ng mga karagdagang tagubilin para sa pangangalaga sa bibig kasunod ng isang operasyon o pagkatapos ng iba pang mga pamamaraan sa paggamot sa ngipin
- pagtulong sa pagtuturo sa mga pasyente ng naaangkop na pamamaraan sa kalusugan at kalinisan ng bibig katulad ng pagsisipilyo, flossing at tamang pagkain
- (Kung may sapat na pagsasanay) pagkuha ng mga impression ng ngipin ng mga pasyente para sa dental casts o mga modelo ng ngipin
- pagsasagawa ng mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng dental clinic katulad ng pagaalaga ng patient records, mga gamit at supplies
- pakikipag-usap sa mga pasyente tungkol sa pag-iiskedyul ng mga appointment, pagsagot sa telepono, pagsingil at pag-order ng mga supply
- pagtulong sa dentista upang magbigay ng direktang pag-aalaga sa pasyente sa ibang mga specialty sa ngipin, kabilang ang orthodontics, pediatric dentistry, periodontics at oral surgery
0 Comments