Mga Braces Na Hindi Gaanong Kita (Part 1)


Pangarap ng marami na magkaroon ng isang magandang ngiti at may mga ngiping halos pantay-pantay at walang sungki. Ito'y maaaring makamit sa pamamagitan ng  tinatawag na "braces".  Ang orthodontic braces ay isang uri ng dental treatment, na isang lisensyadong dentista lamang ang maaaring makapagbigay sa kanyang pasyente. 

Dumadaan ang isang dentista, bukod sa kanyang anim na taon nang pag-aaral, ng karagdagan pang training para lamang makapagbigay ng ganitong uri ng dental service.  Kaya hindi ito basta-basta, at itinuturing pa nga itong isang "specialization" ng dentistry na tinatawag na "Orthodontics".

Kaya may mga batas na matinding ipinagbabawal sa sinumang hindi lisensyadong dentista na magkabit ng mga braces na ito. (See DIY braces)

Fig. 1: Conventional  Metal Braces

Ang treatment na ito ay isang napaka epektibong paraan ng pagsasaayos ng pagkakahanay ng mga ngipin, hindi lamang upang gumanda sa paningin ngunit, pati na rin sa pagpapabuti ng kabuuang kalusugan ng isang tao.
Ngunit kahit malinaw man ang dahilan kung bakit nilalagyan ng braces ang isang pasyente, meron pa din mga hindi komportable magpalagay dahil sa itsura ng mga parteng bakal na idinidikit sa mga ngipin o tinatawag na "brackets". Ang mga iba pang parteng bakal nito ay  ang "wire" at mga "bands" na ikinakabit sa mga bagang. 
Hindi nila gusto, o 'di kaya ay pwedeng, sa tingin din nila, ay maaring apektado ang parte ng kanilang buhay katulad ng trabaho o kabuhayan.

Fig. 2: pagdikit ng Brackets ng braces

Pero paano kung kailangan nilang magpa-braces ngunit ayaw nilang may nakikitang mga parteng bakal sa kanilang ngipin? Dito pumapasok ang mga istilo o tipo ng braces na halos hindi halata sa paningin, hindi nakikita masyado at bahagyang nakatago.
Fig. 3: Halata sa Pag-ngiti ang mga Braces

Sa Ingles, tinatawag nila itong "Invisible Braces" dahil nga hindi ito masyadong mapapansin, hindi katulad ng standard na braces na halos lahat ng parte ay makikintab na bakal na kitang-kita sa bibig.
Anu-ano ba itong mga klase ng braces na tinataguriang "invisible"?
Mayroong 3 uri nito na maaari magawa o maibigay ng dentista sa iyo kung kailangan mo ng braces na hindi gaanong nakikita.
1. Ceramic Braces
2. Lingual Braces
3. Clear Aligners
Basahin ang mga sunod na artikulo tungkol sa mga klase ng braces na ito.
IPAGPATULOY (Part 2) ...

Fig.4: Ceramic Braces

by CNADDM

Post a Comment

0 Comments