Mga Braces Na Hindi Gaanong Kita (Part 2)

Ang artikulong ito ay ikalawa ng bahagi (Part 2), unahing basahin ang (Part 1) bago ito.

Anu-ano ang mga uri ng braces na hindi gaanong nakikita?

1. Ceramic braces: Ang unang klase ay tinatawag na "Ceramic Braces". Gawa ang mga ito mula sa mga sangkap na halos kakulay ng natural na ngipin.  Ang mga parteng nakikita katulad ng "brackets" (maliban sa "wire" at "bands"), ay hindi gawa sa bakal kundi gawa sa "ceramic" na halos ay pwede ngang kakulay ng ngipin. 

Ikinakabit ang mga ito sa mga ngiping nakikita kapag nagsasalita,  ngumungiti o tumatawa ang mga pasyente.

Fig. 1 Ceramic Braces

Katulad ng litrato sa itaas (Fig. 1 Ceramic Braces), kailangan nga lang pa rin lagyan ng metal "wire" ang braces, pero nagmumukha lamang naka "retainers" ang pasyente dahil hindi gaanong kita ang mga "brackets".


Fig. 2: ceramic at metal kombinasyon

Isang paraan din ang paggamit ng kombinasyon na ceramic at metal.  Ceramic para sa mga ngiping nakikita at metal naman sa mga ngiping nakatago. (Fig. 2)


Ano ang mga kalamangan at benepisyo nito kumpara sa standard o conventional metal braces?

  1. Unang-una ay ang pagiging halos tago nito dahil kakulay ng ngipin.
  2. May mga pag-aaral na nagsasabing mas mababa ang porsyentong nagkakaroon ng allergy dito kumpara sa bakal na may lamang Nickel.
  3. Meron ding pag-aaral na nagpakita na nagiging mas malinis sa ngipin ang pasyente dahil ayaw na nakikita kaagad ang dumi sa mga puting brackets. Pero ito ay depende pa rin sa pag-uugali ng pasyente sa kanyang sariling oral hygiene.
  4. Hindi gaanong nakaka-istorbo sa mga "imaging tests" katulad ng x-ray, ct-scan at MRI.
Ano naman ang kalamangan ng Metal braces dito sa Ceramic?
  1. Bahagyang mas makapal at matambok kaysa sa metal, kaya maaaring medyo mas matagal maka adjust at maging komportable ang pasyente.
  2. Mas madaling maapektuhan ang kulay at mas kita ang dumi
  3. Mas matibay ang metal kaysa dito
  4. Mas mahirap tanggalin dahil malutong at pwedeng mabiyak
  5. May mga pag-aaral na nagsasabing maaaring bumaba ng bahagya ang mineral ng ngiping pinagkapitan nito ngunit ito ay base sa laboratoey test lamang.
  6. Mas mahal ito kaysa sa metal braces.
Mapa ceramic man o metal, parehong epektibo bilang isang orthodontic dental treatment ang mga sistemang ito.  Parehong epektibong nakakapag-ayos ng posisyon at pagkakahanay sa mga ngipin upang gumanda ang kalidad ng pamumuhay at kalusugan ng pasyente.  Kaya alinman sa dalawa, ay mapaguusapan mo at ng iyong dentista ang nababagay sa pangngailangan mo.

IPAGPATULOY:

PART 3 (abangan)

by CNADDM





Post a Comment

0 Comments