- Impacted wisdom teeth refer to the 3rd Molars that did not come out fully into its proper position. These cases may result to problems like - infection, damage of the bone tissue near the impacted tooth, severe gum pains and commonly, decay of both the third molar and the tooth adjacent to it. There are temporary treatments that you can do such as taking pain relievers or some mouthwashes that you can easily buy in the nearest drugstores. But the longer it takes, the more it may cause a lot of trouble. Most dentists will advice you to have these impacted teeth removed in order to prevent such damage or problems from occuring.
“Impacted Wisdom Teeth”: Dahilan ng Pagtatanggal, Pansamantalang Lunas at Pangangalaga Matapos Itong Tanggalin
by Berith Magcalas, C. Atienza
Ang “impacted teeth” ay tumutukoy sa mga ngipin na hindi makalabas ng mabuti sa tamang pagtutubuan nito. Ang hindi tamang pagtubo nito ay dahil sa kawalan ng sapat na lugar o espasyo sa panga ng isang tao upang ito ay lumabas ng normal. Madalas itong nangyayari sa ikatlong bagang (3rd molar) na tinatawag na “wisdom teeth”. Ito ang pinakahuling ngipin na tumutubo (16-18 yrs) na kadalasan ay nawawalan na ng sapat na puwang kaya ito ay naiipit ng buto o kaya ng ngipin na katabi nito.
- Impeksyon sa buto at gilagid
- Pagkasira ng katabing ngipin at buto
- Pananakit ng ngipin at gilagid
- Pagkabali (fracture) ng Panga
- Pagkakaroon ng tumor sa loob ng panga
- Pagka-sungki ng mga ngipin
- Maaaring kinakailangan bilang bahagi ng Orthodontic Treatment (Braces)
Dahilan Kung Bakit kailangang Tanggalin ang “Impacted tooth”
Maraming mga dentista ang nagpapayo na ang mga ngiping hindi nakalabas at tumubo ng maayos ay kinakailangang bunutin o alisin. Kasama na rin dito ang mga ngiping bahagya lamang nakalabas (partially impacted). Ayon sa mga dentista ito ay maaaring pagsimulan ng impeksyon na maaaring kumalat hanggang sa mga nakapaligid na buto. Ang “impacted tooth” ay patuloy sa nagpupumilit na makalabas sa himaymay ng ating bagang (gums) kahit wala itong sapat na lugar para tumubo. Ang patuloy na pagpupumilit na ito ay nagreresulta ng patuloy na puwersa na maaaring makasira sa mga katabing ugat ng mga ngipin. Sa pag-alis o pagtanggal ng “impacted tooth”, ay sa dahilang mapipigilan nito ang mga sumusunod:
Mga Pansamantalang Lunas o Gamot
Kung ang iyong “impacted tooth” ay nagdudulot na sa iyo ng problema tulad ng pananakit.Ang pagtangal nito ay ang pangunahing lunas na isinasagawa ng mga dentista. Mayroon din namang paraan upang pansamantalang mawala ang sakit tulad ng “pain relievers” at “mouthwashes” na madaling mabibili sa mga kalapit na “drugstore” sa inyong lugar. Maaari ka ding magmumumog ng maligamgam na tubig na may asin, kalahating kutsaritang asin sa isang tasa ng maligamgam na tubig. Dapat tandaan na ang mga ito ay pansamantalang lunas lamang, makakabuting hingin ang payo ng iyong dentista ukol dito.
Mga Panuto na Dapat Sundin Matapos ang Pagtatanggal ng “Impacted tooth”
Ano nga ba ang nararapat gawin matapos maoperahan para tanggalin ang impacted tooth? Ang pagdurugo , pananakit at pamamaga ay karaniwan lang. Iwasan ang pagkilos ng madalas hanggat maaari ng ilang oras. Iwasan ang pagmumumog, pagdura at pag-inom gamit ang straw sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Ang mga nabanggit ay nakakapigil ng pamumuo (blood clot) ng dugo, na kinakailangan sa pagpapagaling at pagtigil ng pagdurugo (bleeding). Naririto ang ilang panuto na nararapat na sundin upang maiwasan ang anumang kumplikasyon at makakatulong din sa dagliang pagpapagaling. ·
- Pagkontrol ng Pagdurugo: Kung may pagdurugo matapos ang operasyon, diinan sa pamamagitan ng pagkagat ng gasa (gauze) na nakalagay sa ibabaw ng sugat sa loob ng tatlumpung minuto. ·
- Pamamaga: Ang pamamaga ay pangkaraniwan lang matapos ang operasyon. Maglagay ng yelo sa plastic o tuwalya sa pisngi sa tapat ng inoperahan ng tagal na 15-20 minutes at tanggalin ito kada 15-20 minutes din. Paulit-ulit itong gawin hanggang tatlumpu’t anim na oras upang maalis at mapigilian ang pamamaga.
- Mga Pagkain na Nararapat para sa Dagliang Paggaling: Kinakailangang uminom ng maraming tubig o mga juices. Iwasan muna ang sobrang maiinit inumin o pagkain sa una hanggang ikalawang araw. Kumain muna ng mga malalambot na pagkain sa unang araw matapos ang operasyon at maaari ng bumalik sa karaniwan mong pagkain sa susunod na araw depende sa sasabihin ng doctor.
- Ang Pananakit: Kinakailangang uminom ng gamot para sa sakit kapag naramdaman mongnawawala na ang anestisya. Kung ang sakit ay hindi gaano, maari kang uminom ng karaniqang pain relievers tuwing ikatlo o ikaapat na oras (depende sa inireseta sa iyo ng doktor).
- Paglilinis ng Bibig: Ang tamang paglilinis ng bibig ay malaking tulong upang mapadali ang paggaling. Linising mabuti ang bibig matapos kumain. Magbanlaw sa pamamagitan ng pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin.
- Paglaban sa Impeksyon: Sa kadalasan ay nagbibigay ang dentista ng reseta para sa "antibiotic". Ang resetang ito ay nararapat na sundin ng tama kaya responsibilidad ng pasyente na inumin sa tamang oras ang gamot na ito.
Ang pinakamahalagang dapat mong malaman tungkol sa “impacted tooth” ay, ito kinakailangang tanggalin ng mas maaga habang hindi pa gaanong humahaba at bumabaon ang mga ugat nito. Mas lalong lalaki ang problema ng pagbunot nito dahil ang ugat ay maaaring pumulupot na sa paligid ng mga sensitibong nerves ng ating panga. Kung maaga itong tatanggalin, mas makakaiwas na magkaroon ng mga kumplikasyong naunang nabanggit. Kumunsulta sa iyong dentista upang maipaliwanag sa iyo ng mas mabuti and kondisyong ito. Sa edad na labing anim hanggang labingwalo ang tamang edad upang maipa-konsulta ito sa dentista, ngunit mas maaga o mas huli man, mas makakabuti pa rin kaysa ito ay mapabayaan. Sa mga magulang, dalhin ang inyong mga anak sa dentista upang ma-check-up ng mabuti, maaring kinakailangan ng x-ray at mabigyan ng nararapat na lunas. Huwag hintayin na sumakit at magka-kumplikasyon.
References:
www.cohensurgicalarts.com/
http://ezinearticles.com/