Part 2 of 7: Palatandaan at Sintomas ng Kanser sa Bibig




Ang listahang ito ay mga palatandaan at sintomas mula sa HPV at tabako: 
singaw na hindi naghihilom sa loob ng 2 hanggang 3 linggo 
Masakit na pagnguya 
Patuloy na pamamaga ng lalamunan o pamamalat ng boses 
Hirap o masakit na paglunok 
Pamamaga o bukol sa loob ng bibig 
Bukol na walang sakit sa gilid ng leeg na nananatili nang higit sa dalawang linggo Pamamanhid sa bibig o labi

Isa sa mga panganib ng kanser sa bibig ay maaari itong lumala nang walang nararamdamang sakit at ang mga pisikal na pagbabago ay hindi mapapansin. Gayunpaman, ang mga dentista ay maaaring makakita ng mga pagbabago o ng mga kanser mismo habang ito ay nasa mga unang yugto pa lamang. Maaaring ito ay puti o pulang patse o maliit na singaw ng hindi gumagaling. 

Mahalagang ipakita sa dentista ang mga ganitong pagbabago sa bibig kung tumagal na ito nang higit sa 14 na araw. Ang mga bahagi ng bibig na kadalasan nagkakaroon ng kanser: 
 Dila  Labi  Ilalim ng dila  Loob ng pisngi  Ngala-ngala  Dulo ng dila  Lalamunan  Tonsils 




Ang artikulong ito ay isang kontribusyon mula sa University of the Philippines College of Dentistry sa pangunguna ni Dr. Ian Ermita, ng Oral Surgery Section, at sa tulong ng ilang mga mag-aaral at Alumni ng UPCD.  Ito ay bahagi ng Oral Cancer Screening Project ng Kolehiyo na bahagi naman ng pagdiriwang ng ika 100 Anibersaryo ng University of the Philippines College of Dentistry.