Part 7 of 7: Limang Minuto Katumbas ng Buhay Mo





 “5 minuto katumbas ng buhay mo” 

Paghahanda: Tanggalin ang anu-mang nakakabit sa bibig (tulad ng pustiso o retainers) na maaaring makatakip sa mga importanteng bahagi ng bibig na kailangan makita at makapa. 

Masusing pag-alam ng kasaysayang medikal at dental: dapat maging kaswal at tapat sa pagsagot sa mga tanong. Asahan ang mga tanong tungkol sa:
  • Pagbabago sa paglunok 
  • Pamamalat 
  • Bukol sa may leeg na hindi masakit 
  • Sakit sa isang tainga 
  • Pagbabago ng boses 
Masusing pag-eksamin sa labas ng bibig: 
1. Mukha 
2. Mata 
3. Ilong 
4. Tainga 

Pagkapa ng mga kulani sa leeg: 
1. likod ng tainga 
2. ilalim ng gilid ng panga 
3. ilalim ng baba 4. gilid ng leeg 
5. balagat (clavicle) 

Masusing pag-eksamin sa loob ng bibig: 
A.Labi 
B. Gilagid 
C. Loob ng pisngi (buccal mucosa) 
D. Dila 
E. Ilalim ng dila at ilalim ng bibig (floor of the mouth) 
F. Ngala-ngala (hard and soft palate) 
G. Lalamunan at paligid ng tonsil 




Ang artikulong ito ay isang kontribusyon mula sa University of the Philippines College of Dentistry sa pangunguna ni Dr. Ian Ermita, ng Oral Surgery Section, at sa tulong ng ilang mga mag-aaral at Alumni ng UPCD.  Ito ay bahagi ng Oral Cancer Screening Project ng Kolehiyo na bahagi naman ng pagdiriwang ng ika 100 Anibersaryo ng University of the Philippines College of Dentistry. 

(Part 7 of  7)






Index: