Pagtukoy, Pag-iwas at Lunas sa Kanser sa Bibig
Paano malalaman kung ikaw ay may kanser sa bibig:
Step 1: Pagdiskubre
Resulta ng masusing eksaminasyon at oral cancer screening
Regular na pagbisita sa dentista at kamalayan sa pagbabao sa loob ng bibig:
Singaw, bukol o pamamaga, pag-iba ng kulay, hirap at sakit sa pagnguya at paglunok, pamamanhid ng bibig o labi…. na hindi gumagaling sa loob ng 2 hanggang 3 linggo
Step 2: Diagnosis
Pagtukoy ng tiyak na sakit o kalagayan
Ang nag-iisang paraan ng tiyak na pagkakatukoy ng kanser ay ang BIOPSY
Tradisyonal na ginagawa ang Incisional biopsy , kung saan tatanggalin ang bahagi o buong sugat depende sa laki nito at kung gaano ito kalala
Mayroon ding aspiration bipsy kung saan gagamit ng heringgilya at karayom upang makuha ang likido na nilalaman ng sugat
Iba pang uri ng biopsy: punch biopsy, brush biopsy, excisional biopsy
Ipapadala ang nakuhang sample sa pathologist para matukoy kung ano ang particular na sakit ng pasyente
Maaari ring gumamit ng CT o CAT (co-axial tomography) scan at Positron Emission Tomography para sa kanser na nasa loob ng katawan.
Paano maiiwasan ang kanser sa bibig?
Ang pagiwas sa pagkakaroon ng kanser sa bibig ay nagsisimula sa pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay. Gayundin, mahalaga ang maagap na pagpa-patingin sa dentista o doktor upang matiyak ang kalalagayan ng mga pinaghihinalaang mga sugat. Mahalaga na sumailalim sa Oral Cancer Screening upang mas maaga itong matukoy. Sa gayon, kung ito man ay kanser, maaga rin itong mabibigyan ng tamang lunas.
Paano magagamot ang kanser sa bibig?
Ang paggamot sa kanser ay multidisciplinary approach kasama ang surgeons, radiation oncologists, dentists, nutri-tionists at rehabilitation and restorative specialists.
Ang mismong paraan ng paggamot ay pag-opera nito at maring radiation kasama ang chemotherapy upang mapaliit ng pagkakataon na kumalat ang kanser sa ibang bahagi ng katawan o metastasis. Bago ang tiyak na paggagamot ng kanser sa bibig, mahalaga na ayusin muna ang mga pangangailangang dental upang ma-siguro na walang komplikasyon pagkatapos ng paggamot. Ang mga pasyente na sumasailalim sa paggagamot sa maagang bahagi ng kanilang kanser ay hindi gaanong naapektuhan ng pagkasira ng bahagi ng bibig kumpara sa pasyente na medyo malala na ang kundisyon. Maaring mangailangan sila ng reconstructive surgery upang makatulong sa mga pangunahing tgi-nagampanan ng bibig sa pagsasalita at pagkain.
(Part 6 of 7)
Index:
Index: