Mga karaniwang sugat na maaaring maging kanser sa bibig:
Frictional keratosis
Magaspang at maputing patse sa bahagi na dating may ngipin lalo na sa mga pasyen-teng walang pustiso. Dahil nakalantad ito kapag ngumunguya, maaaring kumapal ang bahaging ito bilang isang protective phe-nomenon (tulad ng pagkakaroon ng kalyo sa kamay). Hindi ito dapat mapagkamalang leukoplakia at hindi kailangag i-biopsy.
Leukoplakia
Ito ay isang puting patse na hindi makilala sa klinikal na anyo o patolohiko upang masabi o mapabilang sa isang grupo ng mga sakit. Ito ay kadalasang makikita sa matatandang lalaki na may mataas na probabilidad sa pagtanda. Sa karamihan ng pagkakataon, ang leukoplakia ay indi-kasyon ng nagsisimulang kanser kaya ma-halagang ipasuri ang lisyon na ito lalo na kung may kahalong mapula at maputi sa lisyong pinaghihinalaan.
Erythroplakia
Ito ay isang terminolohiyang ginagamit upang tukuyin ang isang pulang patse na hindi makilala sa klinikal o patolohikal na pagsusuri bilang kabilang ng mga ki-lalang sakit. Kasama sa depinisyong ito ay ang mga kondisyong pamamaga na may resulta na pulang hitsura. Ito ay ka-dalasang makikita sa mga matatandang lalaki at maaring makita bilang isang pu-lang macule o plaque na may kasamang malambot na tekstura.
Nicotine Stomatitis
Ito ay pagkapal o hypertkeratotic na alterasyun ng myukosa sa ngalangala na kadalasang resulta ng panini-garilyo gamit ang pipa, paninigarilyo ng cigar o ng cigarette. Ang ibabaw ng ngalangala ay kadalasangnag-kakaroon ng mga elebasyon na may pula sa gitna na indikasyon ng pamamaga sa bungad ng mga da-luyan ng mga salivary glands.
Tobacco Pouch Keratosis
Kadalasan itong natatagpuan sa loob na ba-hagi ng pisngi o labi (buccal or labial vesti-bule) kung saan madalas nilalagay ang ta-bako ngunit maari ring matagouan sa mga katabing gilagid. Sa simula ng lisyon ay maaring magmukhang mga kulubot ngunit nawawala kapag hinila ang mga ito. Ibang kalagayan ay magpa-pakita ng pagkakapal o granular na mga patse. Malalang lisyon ay mag-papakita ng sobrang pan-gangapal na may ka-samang mga bahagi ng grayish na maputing myukosa na may mga ku-lubot o folds and fissures.
Squamous Cell Carcinoma
Ang kadalasang dapuan ng kanser sa loob ng bibig ay ang dila na kasama sa 40% ng mga kaso sa loob ng bibig. Kasalasang matatagpuan ang tumor na ito sa dulo-gilid at sa ilalim na bahagi ng dila. Ang ilalim ng dila ang pangalawang madalas dapuan ng kanser sa loob ng bibig. Kabilang din ang mga sumusunod sa mga hindi ganung ka-dalas dapuan ng kanser sa loob ng bibig: gi-lagid, loob na bahagi ng pisngi at labi, at ngalangala.
(Part 5 of 7)
Index: