Sa susunod na oras, 50 na katao ang mamamatay dahil sa paninigarilyo. Itinuturing na sanhi ng halos 25 na sakit ang sigarilyo, habang ang naidudulot nito sa kalusugan ay natukoy na, ang epekto nito sa pandaigdigang anta sang hindi pa gaanong nabibigyang pansin.
Inulat ng World Health Organization (WHO) na umaabot ng 4 na milyon ang namamatay sa isang taon dahil sa paninigarilyo. Higit na mas madami ito kung ikukumpara sa mga namamatay dahil sa pinagsamang paggamit ng bawal ng gamot at pag-inom ng alak. Ang bilang ng mga namamatay ay inaasahang tataas pa sa 10 milyon kada taon sa dulo ng 2020 o umpisa ng 2032, at 7 milyon dito ay mula sa mga bansang nagsisimulang umunlad.
Ang pinagsamang pag-inom ng alak at paninigarilyo ang itinuturing pangunahing sanhi ng kanser sa bibig. Ang lahat ng uri ng sigarilyo, kabilang na ang pipe tobacco at cigar, pati na ang pagnguya nito. Ang sigarilyo ay na- kakasira ng mga cells sa loob ng bibig at lalamunan na nagdudulot ng mas mabilis na paglaki at pagdami ng mga cells kumpara sa pagpapagaling ng mga nasirang cells. Ang tinuturing na dahilan ng ganitong pangyayari ay ang mga kemikal na nasa loob ng sigarilyo o tabako.
Sino ang kadalasang biktima ng kanser sa bibig dahil sa tabako?
Lalaki at babae
Higit sa 40 ang edad
Naninigarilyo at umiinom ng alak
Gayumpaman, ang proporsyon ng lalaki sa babae sa pagkakaroon ng kanser ay bumaba na mula sa 6:1 noong 1950 hanggan sa 2:1 sa kasalukuyan.
Tinatayang 95% ng mga may kanser sa bibig na nasa edad 40 pataas. Mahalagang malaman na ang kanser sa bibig ay dulot ng mabisyong pamumuhay, kaya kadalasan ay paninigarilyo at pag-inom ng alak ang nagiging sanhi ng sakit na ito.
(Part 3 of 7)
Index: