Ang hindi sinasadyang pagkikis-kisan o labis na paggiling ng mga ngipin laban sa isa't-isa na madalas nangyayari habang natutulog ay tinatawag na "bruxism". ¹
Ito ay hindi normal na aktibidad ng ating mga bibig, panga at ngipin. Wala itong kaugnayan sa normal na functions ng bibig gaya ng pagkain o pakikipag-usap.
Ang bruxism, base sa ilang pag-aaral, ay nararanasan ng mula 8% hanggang 31% sa pangkalahatang populasyon.²
Ang ilang mga sintomas na karaniwang nauugnay sa bruxism ay ang mga sumusunod:
- pananakit ng mga kalamnan o muscles ng panga
- pananakit ng ulo
- sobrang sensitibong mga ngipin
- pagkasira at pagkapudpod ng ngipin
- pinsala o pagkawasak sa mga pasta, jacket o crown at iba pang mga treatment na ginawa upang mabuong muli ang mga dating nasirang ngipin ³
Tunay na kumplikado ang pagbibigay lunas sa problemang bruxism. Ito ay hindi lamang problemang pang-ngipin, kaya bukod sa dentista, kinakailangan din ng iba pang medical at health professionals na magtulong-tulong sa pagbibigay ng lunas sa problemang ito.
Ang isang tulong na maaaring maibigay ng iyong dentista ay ang pag protekta sa 'yong mga ngipin sa pamamagitan ng tinatawag na "night guard". Makapagbibigay din sya ng abiso kung ano ang pwedeng gawin upang ito ay maiwasang lumala lalo na kung nangyayari ito sa iyo kahit ikaw ay gising.
Occlusal or Night Guard
Bumisita sa iyong dentista upang maipaliwanag sa iyo kung papaano ito maaring mabigyan ng tamang lunas.
References:
- Wassell R, Naru A, Steele J, Nohl F (2008). Applied occlusion. London: Quintessence. pp. 26–30. ISBN 9781850970989.
- Manfredini D, Winocur E, Guarda-Nardini L, Paesani D, Lobbezoo F (2013). "Epidemiology of bruxism in adults: a systematic review of the literature". Journal of Orofacial Pain. 27 (2): 99–110. doi:10.11607/jop.921. PMID 23630682.
- Tyldesley WR, Field A, Longman L (2003). Tyldesley's Oral medicine (5th ed.). Oxford: Oxford University Press. p. 195. ISBN 978-0192631473.
0 Comments