TMJ DISORDERS
TMJ DISORDERS
Ang mga karamdaman o pananakit ng mga kasu-kasuan ng ating panga (TMJ: Temporomandibular joint) at mga kalamnan (Muscles), na karaniwang tinatawag na "TMD": Temporomandibular Disorders (Minsan ay nagkakamaling tawaging "TMJ") ay ang
grupo ng mga kondisyon na nagdudulot ng sakit at
dysfunction sa kasukasuan ng panga at sa mga kalamnan
na kumokontrol sa paggalaw ng panga.
Hindi pa natin alam kung gaano talagang karaming tao ang may karamdamang ito, ngunit iminumungkahi na ito ay mahigit ng 10 milyong katao sa America ang apektado.
Ang kundisyon ay mukhang mas Karaniwan sa Babae kaysa sa lalaki.
Para sa karamihan ng mga tao, ang pananakit na malapit sa mga kasukasuan ng panga o mga kalamnan ay hindi naman kaagad senyales ng isang seryosong problema.
Sa kadalasan, ang kondisyong ito ay paminsan-minsang pansamantala lamang ngunit nangyayari paulit-ulit.
Ang pananakit na ito, sa kalaunan, ay nawawala nang bahagya sa pamamagitan ng kahit mga simpleng lunas lamang.
Ngunit gayunpaman, minsan ay lumalala rin at nagiging pangmatagalan ang mga sintomas.
Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa "TMD" o mga sakit sa iyong "TMJ", huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.
Ang mga mananaliksik, siyentipiko at mga doktor din, ay naghahanap ng mga kasagutan sa kung ano ang sanhi ng mga kondisyong ito at kung ano ang pinakamahusay na pamamaraan ng paggamot ng TMD.
Hanggang sa magkaroon tayo ng tunay na siyentipikong ebidensya para sa ligtas at
mabisang paggamot ng sakit na ito, mahalagang iwasan, kung posible, ang mga pamamaraan na maaaring magdulot ng mga
permanenteng pagbabago sa iyong kagat o panga.
Ang booklet nasa itaas ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman kung ikaw ay nasabihan ng iyong dentista o doktor na mayroon kang TMD o TMJ disorder.
Kaya basahin itong mabuti upang maintindihan at malaman kung ano ang iyong dapat gawin.
0 Comments