Part 4 of 7: Ano ang Human Papilloma Virus?





Human Papilloma Virus (HPV) 
Ang Human Papilloma Virus (HPV) ay isang double-stranded DNA virus na maaaring magdulot ng impeksyon sa epithelial cells ng balat at ng bibig. 
Ang pagkalat ng virus na ito ay sa pamamagitan ng paglapat ng mga tisyu (contact) katulad ng sekswal na pamamaraan na maaaring konbensyunal o oral. 
• Ang HPV ang pinaka-karaniwang virus na naisasalin sa pagtatalik 
• Mayroong halos 200 magkakaibang strains ng HPV. Karamihan nito ay hindi nakakasama at hindi nagdudulot ng kanser. Mula dito, siyam ang napag-alamang nagdudulot ng kanser at anim pa ang pinaghihi- nalaan na maaari ring maging sanhi ng kanser. Ang HPV 16 ang pan- gunahing naiuugnay sa kanser sa bibig 
• Maaari kang magkaroon ng HPV kahit na hindi mo ito nalalaman da- hil ang virus na ito ay walang palatandaan at ang mga sintomas nito ay hindi madaling mapansin 
• Araw-araw sa US, halos 12,000 na tao na edad 15 hanggang 24 ang may HPV. Karamihan sa kanila ay gumagaling nang hindi nalalaman na nagkaroon sila nito. 
• Kung naging positibo ka sa HPV, walang siguradong paraan para ma- laman kung kailan ka nahawa o kung sino ang nakahawa sa iyo. 
• Ang isang tao ay pwedeng magkaroon ng HPV sa loob ng mahabang panahon bago ito matuklasan o maging masmalala at maging kanser. Ngunit hindi lahat ng may HPV ay nagkakaroon ng kanser. 

Kanser sa Bibig at ang HPV
• Ang HPV ang nangungunang sanhi ng oropharyngeal cancers (pinakalikod na bahagi ng bibig hanggang sa lalamunan), at maliit na bilang ng kanser sa bibig. Ang HPV 16 ay ang uri na nagdudulot nito at naaapektuhan nito pareho ang mga lalaki at mga babae. 
• Bawat bahagi ng katawan ay may iba’t ibang ista- tistika, mga pangunahing pinagmulan ng sakit at mga paraan ng paggamot. Ang populasyon na pi- nakamadalas magkaroon ng kanser sa bibig at la- lamunan ay malusog, hindi naninigarilyo at may eded na 25 hanggang 50. • Sa bandang likod ng bibig at lalamunan madalas makita ang HPV 16. Kasama dito ang likod ng dila, likod ng lalamunan at paligid ng tonsils. 
• Ang mga kanser mula sa HPV ay mas mahirap matuklasan kumpara sa mga kanser mula sa pan- inigarilyo 
• Ang pinakamainam na paraan ng pagsusuri ng kan- ser sa bibig na mula sa HPV ay ang pagtingin at pagkapa na ginagawa ng mga dentista. Kasama rito ang pagkuha ng sample para sa oral histology exam para sa mga hindi makikita sa dalawang na- sabing pagsusuri The HPV Virus. 



Ang artikulong ito ay isang kontribusyon mula sa University of the Philippines College of Dentistry sa pangunguna ni Dr. Ian Ermita, ng Oral Surgery Section, at sa tulong ng ilang mga mag-aaral at Alumni ng UPCD.  Ito ay bahagi ng Oral Cancer Screening Project ng Kolehiyo na bahagi naman ng pagdiriwang ng ika 100 Anibersaryo ng University of the Philippines College of Dentistry. 

(Part 4 of  7)




Index: