Mga Alituntunin sa Wastong Paggamit at Pag-aalaga ng Pustiso
Pang-araw-araw na Paglilinis
-
Linisin ang pustiso at bibig sa pamamagitan ng pagsisipilyo araw-araw.
- Maglinis kahit isang beses sa isang araw, ngunit mas mabuti kung pagkatapos kumain at bago matulog (Felton et al., 2011).
-
Tanggalin ang "bacterial biofilm" o mga mikrobyong bumabalot sa pustiso
- Ang biofilm o kumpol-kumpol na mikrobyo na naiipon at bumabalot sa mga parte ng pustiso at bibig ay maaaring magdulot ng denture stomatitis, mabahong hininga, at iba pang impeksyon (Felton et al., 2011; McReynolds et al., 2023).
-
Linisin ang bibig kahit wala nang natitirang natural na ngipin.
- Gumamit ng malambot (soft bristles) na sipilyo upang linisin ang gilagid, dila, at ngala-ngala upang mabawasan ang mikrobyo at mapanatili ang kalusugan ng bibig (Felton et al., 2011).
-
Linisin ang pustiso gamit ang non-abrasive o hindi nakaka-gasgas na denture cleanser.
- Inirerekomenda ang pagbabad at pagsisipilyo gamit ang denture cleanser o kaya ay banayad lang na sabon - na hindi nakakasira sa pustiso - upang linisin at alisin ang itong balot ng biofilm (Felton et al., 2011; Mylonas et al., 2022).
-
Iwasan ang regular toothpaste na may halong "abrasives" na nakagagasgas na uri ng panlinis.
- Ang mga ito ay maaaring magdulot ng mga maliliit na gasgas na lalong nagpapadaling kapitan ng mikrobyo at mantsa ang pustiso (Mylonas et al., 2022).
Ligtas na Paglilinis ng Pustiso
-
Linisin ang pustiso sa ibabaw ng palangganang may tubig o tuwalya.
- Nakababawas ito sa panganib na mabasag ang pustiso kapag nabitawan. Madulas ang pustiso kapag ito ay sinisipilyo dahil sa tubig at sabon kaya madalas itong dumulas sa kamay at tuluyang nababasag pag bagsak sa sink o sahig. Kaya maglagay ng palanggana O tuwalya sa ilalim para pang salo kung sakaling mabitawan habang linilinis
-
Banlawan nang mabuti ang pustiso pagkatapos gumamit ng cleanser.
- Mahalagang maalis ang lahat ng nalalabing kemikal bago muling isuot ang pustiso (Felton et al., 2011).
Tamang Pagsusuot ng Pustiso
-
Huwag magsuot ng pustiso nang tuloy-tuloy sa loob ng 24 oras.
- Ang tuloy-tuloy na pagsusuot, lalo na habang natutulog, ay isa sa mga pangunahing risk factor para sa denture stomatitis (pamumula at pamamaga) at oral candidiasis (fungal infection) (Felton et al., 2011; McReynolds et al., 2023).
-
Hubarin ang pustiso araw-araw upang makapagpahinga ang mga tisyu o gilagid ng bibig.
- Hubarin ang pustiso bago matulog. Ang pagpapahinga ay pinakamainam habang natutulog sa gabi (Felton et al., 2011).
Wastong Pag-iimbak (pagtago at pag-iingat) ng Pustiso
-
Panatilihing mamasa-masa ang pustiso kapag hindi ginagamit.
- Ang pagbabad sa tubig ay nakatutulong upang mapanatili ang hugis at maiwasan ang pagde-deforma ng mga kulay pink na parte o acrylic denture base (ADA, 2022; McReynolds et al., 2023).
-
Huwag gumamit ng mainit o kumukulong tubig.
- Maaari nitong ma-warp o mabago ang sukat ng pustiso (ADA, 2022; McReynolds et al., 2023).
Regular na Pagpapatingin sa Dentista
-
Magpatingin sa dentista kahit isang beses bawat taon.
- Mahalaga ito upang masuri ang kalusugan ng bibig, fit ng pustiso, at para sa propesyonal na paglilinis at pag-polish ng pustiso (Felton et al., 2011; McReynolds et al., 2023).
-
Magpakonsulta agad kung may sugat, pananakit, o maluwag na pustiso.
- Ang mga problemang ito ay maaaring magdulot ng ulceration, impeksyon, at hirap sa pagkain at pagsasalita.
Mahahalagang Paalala!
-
Ang pagkawala ng ngipin ay hindi nangangahulugang hindi na kailangang maglinis ng bibig.
-
Ang wastong paglilinis ng pustiso ay nakatutulong upang maiwasan ang denture stomatitis, oral candidiasis, mabahong hininga, at iba pang impeksyon sa bibig (Felton et al., 2011; McReynolds et al., 2023).
References:
American Dental Association. (2022). Denture care and maintenance. American Dental Association. Retrieved from
Felton, D., Cooper, L., Duqum, I., Minsley, G., Guckes, A., Haug, S., Meredith, P., Solie, C., Avery, D., & Chandler, N. D. (2011). Evidence-based guidelines for the care and maintenance of complete dentures: A publication of the American College of Prosthodontists. Journal of Prosthodontics, 20(Suppl. 1), S1–S12. https://doi.org/10.1111/j.1532-849X.2010.00683.x
Felton, D., Cooper, L., Duqum, I., Minsley, G., Guckes, A., Haug, S., Meredith, P., Solie, C., Avery, D., & Chandler, N. D. (2011). Evidence-based guidelines for the care and maintenance of complete dentures: A publication of the American College of Prosthodontists. Journal of the American Dental Association, 142(Supplement 1), 1S–20S. https://doi.org/10.14219/jada.archive.2011.0067
McReynolds, D. E., Moorthy, A., Moneley, J. O. C., Jabra-Rizk, M. A., & Sultan, A. S. (2023). Denture stomatitis—An interdisciplinary clinical review. Journal of Prosthodontics, 32(Suppl. 1), 1–11. https://doi.org/10.1111/jopr.13687
Mylonas, P., Milward, P., & McAndrew, R. (2022). Denture cleanliness and hygiene: An overview. British Dental Journal, 233(1), 20–26. https://doi.org/10.1038/s41415-022-4397-1
Additional References for Professional Patient Education
American College of Prosthodontists. (2023). Denture stomatitis: An interdisciplinary clinical review. Journal of Prosthodontics.
These references are sufficient for a patient-information handout, dental school patient education material, or a publication intended for general dental practitioners.





0 Comments