Impeksyon sa sirang ngipin, posibleng mauwi sa komplikasyon kapag napabayaan (GMA NEWS ONLINE)

Ang pagkabulok ng ngipin ay maaaring magdulot ng impeksyon na pwedeng kumalat sa pisngi, sa ilalim ng baba o sa may ilalim ng mata. Ito ay tinatawag na cellulitis at nararapat na bigyan kaagad ng kinauukulang lunas.
Hindi na dapat pinaaabot sa ganitong sitwasyon.  Kapag may sira ang ngipin ay dapat mapastahan na kaagad ito para hindi na umabot aa puntong mabulok na ang loob at kailangan ng bunutin.
Bumisita sa dentista kada anim na buwan para magpalinis ng ngipin at upang makita kaagad kung mayrong kinakailangang pastahan, bunutin o kung anumang lunas ang nararapat gawin.