Pagpapagamot sa mga Dental Schools

Magpa - "dental treatment" sa napakamurang halaga ngunit masasabing may mataas na kalidad ng serbisyo. Dahil sa SUBSIDIYA ng ating gobyerno, ang mga serbisyong ito ay naibababa sa napakamurang halaga upang maipaabot sa ating mga INDIGENT PATIENTS na hindi makapag-pagamot sa mga pribadong dental clinic.

Ang UP (Unibersidad ng Pilipinas) Kolehiyo ng Dentistry ay isa sa mga napakaraming dental schools na tumatanggap ng mga pasyente mula sa iba't-ibang komunidad na malapit sa Siyudad ng Maynila. Ang lahat ng serbisyo ay bahagi ng pagsasanay ng mga "Student-Clinicians" na nasa "supervision" o pagbabantay ng kanilang mga lisensyadong propesor, kaya inaasahang tunay na sumusunod sa bawat pamantayan ng pag-aalaga ng kalusugan ng ngipin at bibig (standard of care).

Meron din mga katulad ng mga nabanggit na serbisyo mula sa iba't-ibang dental schools sa buong bansa katulad ng Cebu Doctors, Davao Doctors, EAC, CEU, UE, NU, Fatima University, Perpetual, atbp...

Ang pagpapagamot sa mga dental schools ay maituturing na isang alternatibo kung hindi natin maabot ang mga serbisyo mula sa ating mga pribadong lisensyadong dentista sa bansa. Mahalaga lamang na alam at naiintindihan ng lahat na ang mga clinikang ito ay bahagi ng mga institusyong pang-edukasyon at pagsasanay para sa mga bagong henerasyon ng ating mga dentista. Malaking tulong ito para sa kanilang pagsasanay, ngunit kung tutuusin ay tunay na malaki rin naman tulong ito sa sarili natin at sa ating kalusugan.

Photo Credit: UP College of Dentistry Student Council

* Ang mga naipakitang mga dental fees ay dulot ng malaking SUBSIDIYA ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng UP Manila - PGH Health Sciences Center. (Government Subsidized Fees)


* Ang mga naipakitang mga dental fees ay dulot ng malaking SUBSIDIYA ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng UP Manila - PGH health Sciences Center.