Tamang Pagsuot ng Facemask

Sa panahon ng Pandemya, ang pagsuot ng facemask ay hindi lamang proteksyon para sa sarili kundi proteksyon din para sa iba. Maging responsable sa tamang pagsuot ng facemask.

Siguraduhing maayos at tama ang sukat ng mask sa iyong mukha.

Dapat ay selyado ang mga gilid at natatakpan ng buo ang ilong at bibig hanggang baba.

Hindi dapat ito maluwag at basta-bastang natatanggal

Inirerekomenda din ang pagsuot ng proteksyon sa mata katulad ng  'goggles' o kaya ay 'faceshield' para sa buong mukha.