📘 Panimula: Ano ang Dental Fear, Anxiety, at Phobia?
Ang "dental fear" ay likás na takot sa mga aktwal na mararanasan ng isang pasyente sa dentista—tulad ng tunog ng drill o pagtusok ng injection (Corah, 1969)—samantalang ang "dental anxiety" naman ay pangangamba o sadyang kaba ng isang pasyente bago pa man magsimula ang dental appointment o procedure (Humphris et al., 1995).
Ang pinaka-matindi sa mga ito ay ang pagkakaroon na ng "dental phobia", kung saan ang takot ay paulit-ulit na, malalim na uri na rin, at nagiging dahilan na ng madalas na pag-iwas sa dental care sa matagalan nang panahon (Steenen et al., 2024).
![]() |
"Wag mag-alala, hindi ka nag-iisa..." |
Sa Pilipinas, base sa mga pag-aaral, lumalabas na 16.3% ng adults sa Bulacan ay may moderate to high dental anxiety batay sa Modified Dental Anxiety Scale (MDAS), habang 6.8% ay may high anxiety na posibleng umaabot sa phobia (Cheung et al., 2024).
Sa Quezon City naman, 12.2% ng adults ay may mataas na antas ng dental anxiety gamit ang parehong MDAS (Wilson, 2021).
Kadalasan ito ay dahil sa trauma sa mga nakaraan nilang dental procedures—tulad ng masakit na injection, pag drill ng ngipin, o kakulangan ng paliwanag—na nag-iiwan ng takot o phobia (Cheung et al., 2024; Wilson, 2021).
Ang kakulangan sa paliwanag mula sa dentista ay maaaring nagdulot ng takot dahil sa hindi nila alam at naiintindihan kung ano ang gagawin ng dentista sa kanila.
Kadalasan din itong na-uudyok ng mga nakaraang karanasan ng mga kakilala nila, o kaya’y dahil sa sadyang "sensory overload" mula sa ingay, ilaw, at amoy sa klinika (Ogawa et al., 2022; Serge Steenen et al., 2024).
✅ Checklist: Mga Palatandaan ng Dental Anxiety o Phobia
Ang sumusunod na checklist ay batay sa mga validated instruments na ginagamit sa Dental Anxiety Scale (DAS) (Corah, 1969) at Modified Dental Anxiety Scale (MDAS) (Humphris et al., 1995).
✅ Upang malaman mo kung ikaw ay maaaring mayroong dental anxiety o baka phobia na, sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kung alin ang totoo sa’yo:
- ✅ Kumakabog ba ang puso mo sa tuwing magpapa-schedule o alam mong makakaharap mo pa lang ang iyong dentista?
- ✅ Naiisip mo na ba agad na magiging masakit o hindi mo kontrolado ang mangyayari sa dental procedure mo?
- ✅ Nagkakaroon ka ba ng pisikal na reaksyon gaya ng pamamawis, panginginig, o paninikip ng dibdib kapag nakikita mo ang mga dental instruments at tools?
- ✅ Madalas mo bang kinaka-cancel o nirereschedule ang appointment mo dahil sa iyong kaba?
- ✅ Biglaan mo bang pinahihinto ang kasalukuyang procedure na ginagawa sayo ng dentista sa pamamagitan ng pagbigay ng “stop” hand signal?
- ✅ Hindi ka ba makatulog ng maayos bago ang appointment mo kinabukasan dahil sa pag-aalala at pangangamba?
- ✅ Lumalala ba at tuloy-tuloy ang pag-iwas mo kahit alam mong kailangan mo naman talaga ang dental treatment?
Paliwanag:
Kapag ✅ ≥ 3 (mahigit 3 sa 7) ang iyong “oo,” malaki ang posibilidad na may dental anxiety ka.
Kung ✅ ≥ 5 (mahigit sa 5) naman, malamang na dental phobia na ito at mas makabubuti na kausapin mo ang iyong dentista o pagisipan mong humingi ng suporta mula sa isang therapist (Serge Steenen et al., 2024).
🛠️ Checklist ng Mga Puwede Mong Gawin Bago ang Appointment o Kaya ay Habang Nasa Dentista ka na:
✅ Bago ang Appointment (Home Preparation)
-
🎯 Deep breathing: Huminga nang malalim—inhale 3 segundo, i-hold 4 segundo, exhale 5 segundo—tatlong beses bago umalis ng bahay. Napatunayang epektibo sa pagbawas ng dental anxiety ang controlled breathing techniques (Capillo et al., 2024; Steenen et al., 2024).
-
🌅 Mental rehearsal: Isipin mo na magiging maayos, maganda, at hindi masakit ang iyong magiging karanasan. Maging positibo. Ang "cognitive-behavioral techniques" tulad ng guided imagery ay epektibo sa pagpapababa daw ng dental fear (Locker et al., 2001).
-
📅 Tamang schedule: Magpaaga ng appointment kung likas na "morning person" ka—karaniwang mas kalmado daw sa ganoong oras, ayon sa mga pag-aaral sa "circadian preference" at dental anxiety (Cheung et al., 2024).
-
🗣️ Sabihin mo ang takot mo sa dentista: Kapag alam nila, mas makaka-aadjust sila ng tama sa kanilang gagawing approach para sa treatment mo. Ang open communication ay nagpapahintulot sa mga dentista na magbigay ng personalized behavior management (Humphris et al., 1995).
-
🎧 Magdala ng distraction tools: Headphones para sa music o audiobook ay napatunayang nakakatulong upang bawasan ang dental anxiety sa mga pasyente (David & Wong, 2018).
✅ Habang Nasa Clinic
-
🪣 Tell–Show–Do approach: "Makiusap" sa dentista kung pwedeng ipagpaalam muna at kung posibleng ipaliwanag o ipakita sayo bago gawin ang procedure upang hindi ka magulat at mabigla. Ang behavioral technique na ito ay napatunayang epektibo lalo na sa pediatric at anxious adult patients upang alisin ang takot sa mga procedures (Townend et al., 2000; Klingberg & Broberg, 2007).
-
✋ Stop signal: Ipakiusap mo din sa dentista mo kung pwedeng pumayag sya na ihinto agad muna kapag itinataas mo ang iyong kamay. Ang pagbibigay ng kontrol sa pasyente sa pamamagitan ng stop signal ay nagpapababa ng perceived helplessness, na isang major component ng dental fear (Armfield & Heaton, 2013).
-
🧘 Deep breathing: Matutong mag deep breathing o dahan-dahang paghinga ng malalim tuwing may break o pahinga sa treatment mo. Ang paggamit ng relaxation techniques tulad ng deep breathing sa mga break ng treatment ay nakakatulong upang ibaba ang physiological arousal (Capillo et al., 2024).
-
🎶 Humiling ng environment adjustments: katulad ng Soft music, cool lighting, o lavender scent na nakakatulong na magpa-kalma sayo. Ang auditory (soft music), visual (cool lighting), at olfactory (lavender scent) environmental modifications ay pinapakita sa systematic reviews na nakakapagpababa ng anxiety (Cheung et al., 2024; Wilson, 2021).
-
🎧 Magpatugtog ng music o palabas sa TV o monitor habang ginagawa ang iyong treatment o procedure upang mabaling ang iyong atensyon o focus: Ang audiovisual distraction ay isang validated nonpharmacologic anxiety-reducing intervention (Aminabadi et al., 2012).
-
😌 Sedation: Tanungin ang iyong dentista kung meron silang Nitrous oxide (laughing gas) o kung maari silang mag request ng oral sedatives na pang-karaniwan klase lamang at ligtas para sa dental clinic. Kung matindi ang takot, maaaring gumamit ng nitrous oxide o oral sedation. Ayon sa meta-analysis ni Steenen et al. (2024), ang sedation ay epektibo at ligtas para sa mga pasyente na may mataas na dental anxiety o phobia.
-
🎉 After-visit treat: Puwede mong isipin at paghandaan, bago pa man ang appointment mo, na bibigyan mo ng reward ang sarili mo katulad ng coffee, gelato, o isang maikling lakad pagkatapos ng dental appointment. Ang reward system ay bahagi ng behavioral reinforcement na makatutulong upang gawing positibo ang dental visits at mabawasan ang avoidance behavior (Locker et al., 2001).
🏁 Konklusyon
Normal lamang ang bawat isa sa atin na makaramdam ng kaba sa dentista. Sa Pilipinas, hanggang 16% ng mga adults ang nakararanas nito dahil sa mga traumatic na naging karanasan nila gaya ng matinding nadamang sakit o kakulangan ng paliwanag sa kanila ng dentista.
Gamit ang mga checklist na naipakita, maaari mong alamin kung mayroon kang dental anxiety o phobia, at kung kailangan mo ng tulong mula sa dentista o kaya sa isang therapist.
Walang dapat ipag-alala—maraming dentista ang handa namang mag-adjust ng kaukulang treatment approach, o kaya ay magbigay ng kinakailangang mga paliwanag, at maari ka rin tulungan gumamit ng mga "technique" tulad ng deep breathing, tell-show-do, stop signal, at kung kinakailan talaga ay may optional na sedation oara sa iyo. At upang lubusan mo ng makasanayan at maging panatag na ang iyong kalooban at tiwala sa iyong dentista, sanayin mong mapanatili ang regular na check-up tuwing 6 months (anim na buwan): ito ay maliit na hakbang patungo sa malusog na ngipin at overall health mo.
📚 References:
Aminabadi, N. A., Erfanparast, L., Sohrabi, A., Oskouei, S. G., & Naghili, A. (2012). The impact of virtual reality distraction on pain and anxiety during dental treatment in 4–6-year-old children: a randomized controlled clinical trial. Journal of Dental Research, Dental Clinics, Dental Prospects, 6(4), 117–124. https://doi.org/10.5681/joddd.2012.025
Armfield, J. M., & Heaton, L. J. (2013). Management of fear and anxiety in the dental clinic: a review. Australian Dental Journal, 58(4), 390–407. https://doi.org/10.1111/adj.12118
Capillo, A. S. A., Beling, J. C., Garcia, M. K. A. R., Lagmay, C. L. S., Mayormita, S. K. R., & Rañeses, M. E. B. (2024). Exploring patient experiences with dental anxiety management techniques in dentistry. Journal of Education, Society and Behavioural Science, 37(6), 248–256.
Cheung, B. T., Guiuan, I. A. M., Atienza, A. A., & Santos, J. K. R. (2024). Dental anxiety among the adult residents of Barangay Cambaog, Bulacan, Philippines. Philippine Journal of Health Research and Development.
David, C. A. M., & Wong, S. S. (2018). Anxiety management strategies in reducing anxiety level among pediatric dental patients. ISERD International Conference Proceedings.
Humphris, G. M., Morrison, T., & Lindsay, S. J. E. (1995). The Modified Dental Anxiety Scale: Validation and United Kingdom norms. Community Dental Health, 12(3), 143–150.
Klingberg, G., & Broberg, A. G. (2007). Dental fear/anxiety and dental behaviour management problems in children and adolescents: A review of prevalence and concomitant psychological factors. International Journal of Paediatric Dentistry, 17(6), 391–406. https://doi.org/10.1111/j.1365-263X.2007.00872.x
Locker, D., Shapiro, D., & Liddell, A. (2001). Negative dental experiences and their relationship to dental anxiety. Community Dental Health, 18(1), 8–13.
Steenen, S. A., Linke, F., van Westrhenen, R., & de Jongh, A. (2024). Interventions to reduce adult state anxiety, dental trait anxiety, and dental phobia: A systematic review and meta-analyses of randomized controlled trials. Journal of Anxiety Disorders, 89, 102554. https://doi.org/10.1016/j.janxdis.2024.102554
Townend, E., Dimigen, G., & Fung, D. (2000). A clinical study of child dental anxiety. Behaviour Research and Therapy, 38(1), 31–46. https://doi.org/10.1016/S0005-7967(98)00204-3
Wilson, A. (2021). Prevalence of dental anxiety among adults in Quezon City. NUHRA Registry.
📚 Karagdagang References:
Capillo, A. S. A., Beling, J. C., Garcia, M. K. A. R., Lagmay, C. L. S., Mayormita, S. K. R., & Rañeses, M. E. B. (2024). Exploring patient experiences with dental anxiety management techniques in dentistry. Journal of Education, Society and Behavioural Science, 37(6), 248–256.
Cheung, B. T., Guiuan, I. A. M., Atienza, A. A., & Santos, J. K. R. (2024). Dental anxiety among the adult residents of Barangay Cambaog, Bulacan, Philippines. Philippine Journal of Health Research and Development.
Ogawa, M., Ayuse, T., Fujisawa, T., & Sato, S. (2022). The methods and use of questionnaires for the diagnosis of dental phobia in Japan. BMC Oral Health, 22, 38. https://doi.org/10.1186/s12903-022-02113-2
Serge A. Steenen, F., Linke, F., van Westrhenen, R., & de Jongh, A. (2024). Interventions to reduce adult state anxiety, dental trait anxiety, and dental phobia: A systematic review and meta‑analyses of randomized controlled trials. Journal of Anxiety Disorders, 89, 102554. https://doi.org/10.1016/j.janxdis.2024.102554
Wilson, A. (2021). Prevalence of dental anxiety among adults in Quezon City. NUHRA Registry, QC Report.
0 Comments