Ano ang Bruxism?

Ang bruxism ay ang hindi sinasadyang paggiling o pagki-kiskisan at pagnga-ngatngat ng ngipin, madalas habang natutulog at minsan ay kahit na habang gising. Maaari itong magdulot ng pananakit ng panga, pagkasira (pagkapudpod) ng ngipin, at pananakit ng ulo (Lavigne et al., 2008). 

Karaniwang sanhi nito ay stress, maling pagkakaayos ng kagat, o mga sleep disorders. (Manfredini & Lobbezoo, 2009). 

Ang imahe sa ibaba ay nagpapakita ng pagkapudpod at pagkaubos ng ngipin dahil sa Bruxism:

https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Dental_abrasion_20100113_003.JPG

Kung hindi maagapan, maaaring lumala ang kondisyon at makaapekto sa kalidad ng buhay. Kaya mahalagang kumunsulta sa dentista kung may sintomas nito. (American Dental Association [ADA], 2020).

Alamin: Bakit Napupudpod ang mga Ngipin ko dahil sa Pagkikiskisan Nila Habang Ako ay Natutulog? (Night grinding) - basahin dito



References:

American Dental Association. (2020). Bruxism (teeth grinding). https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/b/bruxism

Lavigne, G. J., Khoury, S., Abe, S., Yamaguchi, T., & Raphael, K. (2008). Bruxism physiology and pathology: An overview for clinicians. Journal of Oral Rehabilitation, 35(7), 476–494. https://doi.org/10.1111/j.1365-2842.2008.01881.x

Manfredini, D., & Lobbezoo, F. (2009). Role of psychosocial factors in the etiology of bruxism. Journal of Orofacial Pain, 23(2), 153–166.

Post a Comment

0 Comments