ANO ANG DENTAL IMPLANTS?

English Summary: Implants are the latest dental technology for replacing the roots of lost teeth. They are used to support crowns, bridges, and dentures. Implants offer stability, comfort and a sense of freedom for those who have missing teeth and want to regain their smile back. Both dentures and dental implants have progressed rapidly over the years. Many people are finding that dental implants are the most desirable solution for missing teeth. Implants allow for a new found confidence while smiling, far exceeding the comfort and confidence found with dentures.
Dental Implant
implantAng pag-restore o pagkopya ng likas na gamit o function, at natural na hitsura ng iyong nawalang ngipin ay mahirap gawin. Sa kasaysayan, ang pustiso ay ang pangunahing ginagamit bilang kapalit ng nawalang ngipin, subalit limitado lamang ang maaring maging resulta. Ang dental implant sa kasalukuyan ay maituturing na, na isang mabisang kapalit sa nawalang ngipin na nagbibigay din ng halos kaparehong gamit na parang natural na ngipin. Ginagamit din ito sa iba pang uri ng dental restorations para sa mas maging higit na tagumpay ang treatment at para na rin sa kasiyahan ng pasyente. 

Ang dental implant ay isang maliit, matatag, titanium post na umaakto bilang root structure katulad ng nasa natural na ngipin. Ito ay maaaring ilagay sa itaas o sa ibaba man ng buto ng iyong mga panga. Ang posteng ito ay ibinabaon sa buto sa pamamagitan ng mga makabagong instrumento.  Hihintayin ang mga ilang buwan (4-6 months) para kumapit ng husto ang buto sa titanium post na ito.  Pagkatapos tumubo ng buto sa paligid ng implant, ito ay maaaring humawak ng Porcelain crown o jacket, bridge o pustiso tulad ng natural na ugat na humahawak ng natural na ngipin sa lugar kung saan ito itinanim. Ito ay lubhang matibay at maaaring pangmatagalan kung tama ang proseso ng pagkakalagay at kung ito ay aalagaan ng mabuti. Nangangailangan ito ng masusing pag-aalaga atmaintenance katulad ng isang natural na ngipin.  Kabilang na dito ang tamang pagsisipilyo, flossing at regular na pagpapatingin sa dentista.  
           
Ang   dental implant  ay  hindi   para   sa   lahat ng pasyente.   Ikaw   ay   dapat   nasa mabuting kalusugan, may malusog na gilagid at sapat na buto sa iyong mga panga para suportahan ang mga implants. May mga paraan ang dentista kung ikaw ay sakaling may kakulangan sa nararapat na dami ng buto at gilagid na kinakailangan.  Kaya dapat na magpacheck-up sa dentista upang malaman kung ikaw ay isang kandidato para sa ganitong klaseng treatment. Ikaw rin ay dapat commited at handang bumisita sa iyong dentist o sa mga dental specialist ng ilang beses hanggang matapos ang trabaho. Handa ka rin dapat alagaan mabuti ng pangmatagalan ang iyong mga bagong implants.

Narito ang mga hakbang kung paano ginagawa ang pagtatanim ng dental implants:
  •         Unang hakbang

Sa pamamagitan ng isang minor surgery, ang iyong dentist, oral surgeon o periodontist ay maglalagay ng isang maliit naposteng metal sa iyong panga.  Bago ito gawin, ikaw ay dadaan sa isang masusing diagnosis at pagpapaplano. Tatakpan ang sugat ng pinagtamnan at hihintayin itong gumaling.
  •         Ikalawang hakbang

Sa paglipas ng panahon, ang posteng ito ay kakapit sa butong nakapaligid dito.  Maghihintay ng 4 hanggang anim na buwan bago ulit maituloy ang susunod na hakbang sa treatment.
  •         Ikatlong hakbang

Ang poste (implant) ay aakto tulad ng isang anchor na hahawak ng isa o higit pang false teeth sa lugar.
Dahil ang mga implants ay nakakapit sa buto, ang false teeth na nakalakip sa mgaimplants ay magiging halos katulad ng isang natural na ngipin. Ngunit dapat nating intindihin na ang mga implants ay hindi singlakas at singtibay ng natural na ngipin. Kaya maituturing na ang magiging mas masusi ang pag-aalaga nito.  Kailangang magsipilyo at mag-floss sa mga implants ng may sadyang pag-iingat. Dahandahan ngunit siguraduhing sipilyuhin ng mabuti ang lahat ng sulok atsurface ng mga implants. Ang sipilyo na may mahahabang bristles sa tuktok ay makakatulong na maglinis sa likod ng mga implants.

Ilan sa mga pakinabang sa dental implants ay:
1.       Pinabuting hitsura. Ang dental implant ay may anyo at pakiramdam tulad ng iyong sariling mga ngipin. At dahil nakadisenyo ito na nakakakapit sa buto, ito ay magiging permanente o fixed sa loob ng iyong bibig.
2.       Pinagbuting pagsasalita. Dahil sa hindi masyadong angkop minsan ang mga pustiso (removable dentures), ang mga ngipin ay nahuhulog sa loob ng bibig na nagiging sanhi upang umangat at maapektuhan ang iyong pananalita. Sa tulong ng dental implant ay makakapagsalita na ng mas maayos at mababawasan ang pag-aalinlangan na ang iyong ngipin ay maaaring mahulog.
3.       Pinagbuting kaginhawaan. Dahil ito ay maituturing na isa ng bahagi ng iyong katawan, ang mga implantsay maaaring  makapagtanggal ng pagpapahirap na naidudulot ng naaalis or "removable" na pustiso.
4.       Mas madaling pagkain. Ang dumudulas at umaangat na pustiso ay maaaring nakakapagpahirap ng pagnguya. Ang gamit ng dental implant ay tulad ng iyong sariling ngipin na nagpapahintulot sa iyo na kumain ng iyong mga paboritong pagkain na may tiwala sa sarili at walang mararamdamang sakit o discomfort.
5.       Tibay. Ang mga implants ay lubhang matibay at tatagal ng maraming taon. Kung aalagaang mabuti, maramingimplants ang tumatagal panghabambuhay.
6.       Kaginhawaan. Ang mga dental implants ay inaalis ang nakakahiyang abala ng laging pagtanggal at pagsuot ng"removable" pustiso, pati na rin minsan ang pangangailangan ng makalat na denture adhesives upang mapanatili ang iyong pustiso sa kanyang tamang posisyon sa loob ng bibig.
Sources: Patient Education on Implant Dentistry, WebMD, Wikipedia, the free encyclopedia and Canadian Dental Association

Post a Comment

0 Comments