Ang kanser ng bibig ay parte ng grupo ng mga kanser na natatagpuan sa ulo at leeg. 85% ng mga ito ay mula sa kanser sa bibig.
Araw-araw, isang tao kada isang oras ang namamatay dahil uri ng kanser na ito. Sa 42,000 na bagong pasyente ngayong taon, halos kalahati ang masasabing buhay pa sa loob ng 5 taon.
Mas maraming namamatay sa kanser sa bibig kaysa sa mga kanser na madalas naririnig tulad ng cervical cancer, Hodgkin’s lymphoma, cancer of the testes, thyroid cancer, at skin cancer. Kung palalawakin ang ibig sabhin ng kanser sa bibig at isasama rito ang kanser sa lalamunan, ang bilang ng kaso ay halos 54,000 na katao at 13,500 ang namamatay kada-taon sa Amerika. 640,000 bagong kaso ang natutuklasan sa buong mundo kada taon. ...
Mapanganib ito kumpara sa ibang uri ng kanser dahil ito ay mahirap na makita sa pagsisimula ng kanser, maaaring lumalala nang walang sakit o sintomas, at maaari itong pagmulan ng ikalawang tumor. Dahil dito, ang mga pasyenteng nakakaligtas mula sa unang pagkakaroon ng kanser sa bibig ay mayroon 20x na mas mataas na tyansang mag- karoon ng kanser muli na maaaring tumagal ng lima hanggang sampung taon mula sa unang pagkakaroon ng kanser.
Maraming iba’t ibang uri ng kanser sa bibig, ngunit 90% nito ay squamous cell carcinoma.
Ang mga sumusunod ay mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa bibig:
- Sigarilyo at tabakong walang usok Pag-inom ng alak
- Marijuana
- Genetics o namamana
- Human Papilloma Virus
Ang artikulong ito ay isang kontribusyon mula sa University of the Philippines College of Dentistry sa pangunguna ni Dr. Ian Ermita, isa sa mga propesor ng Oral Surgery Section, at sa tulong ng ilang mga mag-aaral at Alumni ng UPCD. Ito ay bahagi ng Oral Cancer Screening Project ng Kolehiyo na bahagi naman ng pagdiriwang ng ika 100 Anibersaryo ng University of the Philippines College of Dentistry. (Part 1 of 7)